“Stamina will get you there, but speed will get you there first.” -Peter Coe
Kahapon, ako ay nag post sa aking FB account ng ganitong shutout: “Masyado ng magastos ang mga running events kaya para sa kin, mas OK ng tumakbo na lang sa comfort zone ko ng mahabang ruta kahit walang medal o certificate. I just love ‘pure’ running.”
At ang post na yon ay umani ng maraming reaksyon na pumapabor sa king sinabi.
Nais ko lang pong linawin na ang mga binitiwan kong kataga ay sarili ko lang pananaw at ayokong mang impluwensya ng mga kaibigan at kakilala ko. Siguro, dahil na rin saking katatayuan sa ngayon. Sino ba naman ang runner na ayaw makasali sa mga Races? Once a runner, you will always be a runner, it’s in your blood to join races to enjoy every moments of it.
May mga panahong naiingit ako sa mga kasama kong nakakatakbo sa mga races particularly in ultra-running events ngunit medyo kailangang kong ikunsider ang aspeto ng pananalapi . Hindi katulad dati na kahit ano at sang patakbo, asahan yung andun ako.
Ngayon, magiisip muna akong mabuti kung kaya ba ng budget at kung hindi bakit ko naman pipilitin? At mamapansin nyong masyado ng mahal ang mga patakbo. Nung 2006 kung kailan ako nagumpisang maging mananakbo, ang mga registration fee lang nun ay nasa P200-P300 at yun ay 21k na, meron pa ngang 42k. Peo ngayon, P750 – P1250 ang 21k. At kung kokumpyutin mo ang magagastos sa isang race, kasama na ang gas, food etc gagastos ka ng P2,000 sa isang race lang.
Samantalang kung itatakbo mo na lang yun sa yong comfort zone,baka di ka pa gagastos ng P100.
Sa panahon ng krisis, kailangang magisip din tayo at di lang takbo na lang takbo sa mga races. Kung elite runner ka at pinagkakakitaan mo talaga ang mga patakbo, di masama na sumali ka sa mga races dahil kaya mo namang mabawi ang mga nagastos mo, pero kung finisher lang ang habol mo, sapat na sigurong maranasan mong mag join ng races ng isa dalwa hangang tatlong beses. After nun, think many times if it’s really necessary to join races because it’s no longer practical.
Ako nga kung kokumpyutin ko ang mga nagastos ko sa kulang kulang na isandaang races na nasalihan ko, nasa P125,000 ang rough estimate nun. Hindi sa pinanghihinayangan ko yun dahil nakaganda naman sa postura at katawan ko pero sana, I put that in a bank na lang at tumakbo na lang ako dito sa ruta ko. Yung mga medals, trophies at certificates kayganda lang pagmasdan pero sa panahon ng tag-gutom di mo naman maisasangla o maibebenta ang mga yun, at hindi mo rin naman maipagmamalaki sa iba dahil wala naman silang pakiaaalm sa Sports na pinili mo.
Ang tanging pabuya mo lang o incentive ay alam mo sa sarili mo na nakatapos ka ng distansyang hindi basta basta matatakbo ng isang ordinaryong tao-pero nagawa mo.
Pero marahil ang mga nabangit ko ay mga sentimyento de asukal ko lang dahil hindi na ako makasali ng mga races. Kung di lang sa mga mabubuting tao nagpatakbo sa kin ng libre ngayong year na ito, sana’y wala pa rin akong nasasalihan ngayong 2011.
QC 42k…Skyway 42k at Fat Ass 24 hours… tatlo pa lang at di ko alam kung masusundan pa.
Regular pa rin naman ang aking pagtakbo, yun nga lang hindi na sa mga races. Sana lang, may lumutang na isang Race Organizer na di puro profit ang iniisip, yung tipong P200 – P300 lang, 21k na, may singlet pa.: ) Dito nga sa San Pedro, may magpapatakbo ng 21k, P100 lang ang fee, may singlet na, may pagkain at goto pa at hindi politician ang organizer.
Ngunit bihira na siguro ang ganun at mabibilang na lang sa daliri.
Dapat siguro, magkaron na ng batas at regulate ang registration fee. Kasi kung di ganito ang gagawin baka sa 2012, aabutin na ng P2,000 ang mga takbuhan. Pero hanggat marami pa ding sumasali sa mga races, hindi magbababa ng fee ang mga Race Organizers na yan.
Pero ako, mawala man ang mga races, mananatili pa din akong mananakbo.
Sana po kayo din.
Bukas nga pala, tatakbo ako ng more than 30k from Naic to Ternate Cavite and vice versa.
See you at the road my friend.
God be Praised!
Recent Comments